Saturday, December 08, 2007

paalam kaibigan

salamat sa lahat ng ngiti na dulot mo
bagamat sandali lang ang ating pinagsamahan
maligaya ako dahil kahit papaano tayo'y nagkakilala
salamat sa masasayang sandali na magpapangiti pa rin sa akin tuwina
kahit na sa pagkakataong ito'y may halo nang lungkot ang mga 'yon
subalit hindi ako dapat mabahala dahil nasa mabuti ka nang mga kamay
doon ay wala nang sakit, hirap at pighati kang mararanasan

paalam, baunin mo ang aking panalangin
alam kong isang araw magkikita tayong muli
doon sa lugar na puno ng walang hanggang ligaya
salamat sa mga alaala
hanggang sa muli, kaibigan.

No comments: