Monday, March 05, 2007

day dreaming and some rants

here i am, staring at something i can't afford and won't be able to buy until everything here in our office goes back to normal. the urge to have it grows stronger and stronger everyday. especially when i realize that i would be missing a lot when the lenten season comes. i hope this day dreaming won't be for long.

--------

i would like to write this entry in our mother tongue so i can express it better. i would like to apologize to those who won't be able to understand it. i dunno if i should publish this but here goes:

an open letter to YOU

apat na taon na nung huli kitang makita at kung ako ang tatanungin ayoko na kitang makita. hindi dahil sa kinasusuklaman kita, pero dahil mas panatag ako sa ganitong sitwasyon. ayoko nang balikan ang nakakatakot na araw nung bago ka umalis sa bahay. dahil sa oras na makita kita ulit, paniguradong babalik na naman sa alaala ko ang araw na yun. simula ng umalis ka sa bahay, mas naging tahimik ang buhay namin ng nanay. may kulang... oo... pero mas gusto ko na ito dahil mas gusto ko ng katahimikan ng kalooban. ngayon ang pinuproblema ko na lang e, kung saang kamay ng Diyos ako kukuha ng pangkain namin ng nanay para mabuhay. oo, sa mahabang panahon nagbigay ka ng sustento at sa isang iglap dahil naisipan mo, ay bigla mo na lang itinigil. mahirap... oo... pero kinakaya ko naman. nakaka-inggit nga lang ung ibang mga ka-edaran ko kse nabibili nila halos lahat ng gusto nila.
oo nga pala, nakalimutan ko, pumapalya na ring magpunta sa doktor ang nanay at tinitipid na lang ang iniinom na gamot kaya hindi gumaling-galing. ni hindi namin mapa-opera ang goiter nya dahil nga pinagkakasya lang ang karampot kong sweldo. pero wala ka namang pakialam di ba? bakit pa ba ako nag-aaksaya ng panahon?

at bakit ko nga pala sinusulat ito, siguro nagtataka ka. gusto ko lang sabihin sa'yo na salamat sa lahat ng paghihirap mo para makatapos ako ng pag-aaral. salamat kse dahil sa'yo naging mas matatag ako at natututong tumayo sa sariling mga paa. aaminin ko, mahirap... sobrang hirap. pero wala na ako magagawa dahil pinili kong akuin ang responsibilidad mo para sa pamilyang ito dahil mas pinili mong magtaguyod ng panibagong pamilya. pero isa lang ang sisiguraduhin ko, na kahit ano mangyari hindi ako bibitiw at magtatagumpay ako.

No comments: