i have to write this post again in filipino. sorry folks.
kahapon natanggap ko ung regularization papers ko. di ba dapat masaya ako?! pero kabalintunaan ang nararamdaman ko ngayon. oo, tinaasan nila ang sweldo ko pero pag nalaman nyo kung magkano ang diperensya ng sahod ko at nang mga kasama ko, siguradong maaawa kayo sa akin. gusto nyo malaman? apat na libo ang diperensya. o di ba?! kung iisipin mo pareho lang naman kme ng ginagawa pero mas malaki ang sweldo nila kesa sa akin. di ko malaman kung talagang isinumpa lang talaga ako o ano. di ko tuloy malaman kung bakit pag minalas ka, kahit saan ka sumuot susundan ka pa rin nito. wala naman ako inaapakang mga tao. ni minsan di ko ginawa yun. haayy... pero nagpapasalamat pa rin ako sa Diyos kse nadagdagan ang sweldo ko kahit papaano ngunit hindi mo pa rin talaga maiaalis sa akin na maramdaman na parang dehado ata ako. di ko naman mararamdaman yun kung di nila ako pinangakuan ng dagdag na sahod matapos nila akong ilipat dito sa trabahong ginagawa ko ngayon. sabi nila pagkatapos ng tatlong buwan at matapos nilang mai-evaluate ang aking performance at makitang akma ako sa bagong trabahong pinaglagyan sa akin ay may karampatang dagdag na sahod. pero ang lahat pala ng iyon ay pangako lang na napako at inilista sa tubig. ngayon, nag-iisip ako kung saan na naman ako pupunta at kung ano ang gagawin ko. dati sabi ko patigasan na lang kahit ano mangyari di ako aalis pero parang iba na ang nararamdaman ko. kaya ko pa naman magtiis ang tanong kaya pa kayang tiisin ng kumakalam na sikmura namin ng nanay ko ang mga pangyayaring ito. hindi ko alam. hindi ko alam kung hanggang kelan. sana. sana lang matagalan ko pa.

No comments:
Post a Comment